Dalawang Naglalabang Pwersa Sa Puso ng Kristiano
0Sa Roma 7, ipinakita ni Apostol Pablo ang kapangyarihan, bisa, at pagsira ng kasalanan sa puso ng mananampalataya. Tinawag niya itong “Batas” dahil ito ay nagbabawal at nag-uutos. Ngunit una sa lahat, ito ay mabagsik na batas na nagtuturo at nag-uutos ng iba’t-ibang paraan upang magkasala. Ikalawa, ito ay umaayon sa kalikasan ng tao. Ang tao ay likas na masama dahil siya’y ipinanganak na makasalanan. Nakahilig na ang kanyang puso sa kasalanan.
Sa mga Kristiano ang Batas ng Ispiritu ng Buhay ang nananaig sa kanilang puso. Ito ay dahil sa pagliligtas ni Kristo. Ito ang nagbibigay ng pagnanasa sa Kristiano na gawin ang kalooban ng Dios.
Kaya dalawang batas ang naghahari sa puso ng Kristiano – batas ng kasalanan at batas ng Banal na Ispiritu. Bagamat ang batas ng kasalanan ay hindi na naghahari sa puso ng Kristiano, ngunit may malaking pwersa pa rin ito na tuksuin at dalhin sa pagkakasala ang isang mananampalataya. Sa mga hindi Kristiano, ang batas ng kasalanan lamang ang aktibong kumikilos sa kanilang puso.
Bawa’t Kristiano ay dapat maging mapanuri sa kasalanan na nakatira pa sa kanilang mga puso. Ito ay upang makita nila ang matinding lakas nito na magtulak sa pagkakasala. Dahil sa ginawa ni Kristo, bawat Kristiano ay wala nang pag-kagusto na magkasala kundi ang gumawa ng mabuti at sumunod sa Dios. Subalit bawat Kristiano ay makakapagsabi na ang kasalanan na nakatira sa kanilang puso ay pumipigil sa kanila na gawin ang mabuti. Ang kaluluwa “ ay binibihag, sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa bahagi ng aking katawan.” (Roma 7:2) , At sa Galatia 5:17 ay sinasabing “ Sapagkat ang laman ay nagnanasa laban sa Ispiritu, at ang Ispiritu laban sa laman, sapagkat ang mga ito ay laban sa isa’t-isa…” Kung makita natin ang ganitong pagkilos ng kasalanan , magkakaroon tayo ng karunungan upang iwasan ito.
Matalino ang tao sa pangangalaga sa katawang at kung paano gagamutin ang iba’t-ibang karamdaman. Subalit iilan lamang ang inaalam ang magiging kalagayan ng kaluluwa sa kabilang-buhay na walang-hanggan.
Kung batid natin na may kaaway na nakatira sa ating mga puso, magiging masipag at mapagmatyag tayo sa lahat ng oras. Ngunit madadaya ang isang tamad, at pabayang Kristiano. Madali siyang masisilo ng kaaway. Kaya upang hindi madungisan ang pangalan ng Dios at ng Ebanghelyo, kilalanin, at maging alerto tayo sa presensya ng kasalanan dito sa ating puso.
John Owen. Triumph Over Temptation: Pursuing a Life of Purity. Quezon City: Christian Growth Ministries. 2006.IMG_1704