Bakit Tayo Tinubos ni Kristo?

0
IMG_4786[1]

Bakit tayo iniligtas ng Dios, tayong dating suwail, makasalanang bayan, kaaway ng Dios at nararapat parusahan? Ang Mabuting Balita ay
nagpapahayag na . “ … na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay dahil sa atin.”(Rom 5:8) “… “…at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa.”  Malinaw ang Biblia na sa pamamagitan ng pananampalataya, sa pagkabuhay, kamatayan at pagkabuhay na muli ni Kristo, tayo ay inaring ganap at itinuring na anak ng Dios. Ito ang mabuti sa Mabuting Balita (Gospel)! Ngunit ano ang dahilan?

May dalawang sagot sa tanong na yan. Una ay dahil mahal tayo ng Dios (Juan 3:16). Ikalawa. Para sa kapurihan ng Kanyang pangalan (Efeso 1:6,12,14). Subalit ang isa pang mahalagang sagot ay upang tayo ay maging banal. Tayo ay pinili bago pa itatag ang sanlibutan upang tayo’y maging banal at walang dungis sa Kanyang harapan (Efeso 1:3-4). Ang sabi ni J.I Packer, “Isang katotohanan na ang kabanalan ang dahilan ng ating pagkaligtas. Namatay si Kristo upang tayo’y mapawalang-sala, at tayo ay pinawalang-sala upang magpakabanal.”

Sa Exo. 19:4-6a ay malinaw na ang dahilan ng pagliligtas ng Dios sa mga Israelita laban sa mga Egipcio ay upang sila’y maging banal na bayan ng Dios. Bawat Kristiano ay dapat mabuhay ng may gayong pagkilala dahil tayo rin naman ay iniligtas ng Dios sa kamay ng kaaway. “Sapagkat tayo’y tinawag ng Panginoon, hindi sa ikarurumi kundi sa kabanalan” (I Tesalonica 4:7). Malinaw ang turo ng Biblia. “Sapagka’t tayo’y Kaniyang gawa, na nilalang kay Kristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Dios nang una, upang siya nating lakaran.” (Efeso 2:10). “…gaya naman ni Kristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili…; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis …kundi ito’y nararapat maging banal at walang kapintasan.” Efeso 5:24-27.

Pinili tayo ng Dios noon pang una, ipinadala si Kristo upang tayo ay iligtas sa kasalanan at binigyan ng regalong pananampalataya ayon sa pagkilos ng Banal na Ispiritu sa ating buhay upang tayo ay magpakabanal.

Mula sa aklat na “The Hole in Our Holiness” Kevin Deyoung. 2012.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top