“Bakit Dumating si Kristo?”

0
IMG_0352

Sa Hebreo 2:14-15 ay mababasa: “Kaya ang mga anak ay nakibahagi sa laman at dugo, at Siya man ay nakibahagi rin sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay Kanyang mapuksa ang may kapangyarihan sa kamatayan, samakatuwid ay ang diyablo, at mapalaya silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan sa buong buhay nila ay nasa ilalim ng pagkaalipin.”

Ang “anak” na binabanggit ay tumutukoy sa mga ispiritwal na supling ni Kristo na Tagapagligtas. (Isaias 8:18;53:10). Sila rin ang mga anak ng Dios. Sa pagsugo kay Kristo sa lupa, ang layon ng Ama ay ang kaligtasan ng Kanyang mga anak. “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang tanging Anak…” (Jn 3:16). Ang desenyo ng Dios ay ang ihandog si Kristo sa mundo upang maisakatuparan ang kaligtasan ng Kanyang mga anak. (I Tim 4:10). At Ikaw, maari kang makabilang sa mga anak ng Dios kung tatanggapin mo si Kristo sa iyong buhay (Jn 1:12).

Si Kristo ay “nakibahagi sa laman at dugo”. Siya ay Ispiritu, kasama ng Dios at Dios (Jn 1:1). Subalit binihisan Niya ang Kanyang pagkadios ng laman at dugo, at Siya’y naging tunay na tao at tunay na Dios. Bilang Dios, Siya ay walang kamatayan, ngunit ang tao ay namamatay. Ang dahilan kung bakit si Kristo ay naging tao ay upang mamatay at mabayaran ang ating mga kasalanan. Ang araw ng Kanyang kamatayan ( Biernes Santo) ang dahilan ng Pasko at siyang kahulugan ng Pasko.

Sa Kanyang kamatayan, kanyang tinanggal ang ngipin ng demonyo, sa pamamagitan ng pagtatakip ng ating mga kasalanan. Wala nang maisu-sumbat pa sa atin si Satanas sa harapan ng Dios. Pinawalang-sala tayo sa dugo ni Kristo. (Romans 5:9). Ang pinakamabagsik na sandata ni Satanas laban sa atin ay ang ating mismong kasalanan. Tinanggal na ito ng Dios. Hindi niya maaring kasuhan ang Kristiano ng kamatayan dahil pinalaya na tayo ng Hukom sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang Anak.

Pinawalang-sala tayo ng Dios. Ibinigay Niya sa atin ang sukdulang kaligtasan kay Kristo. Pinalaya tayo sa kamatayan, sa pagka-alapin at takot at sa pinakamabagsik nating kaaway na si Satanas. Kaya wala na tayong dapat katakutan. Tayo ay malaya, at malayang magkaroon ng tunay na kagalakan. Ito ang pinakadakilang regalo ng Pasko para sa ating lahat. Ito rin ang pinakamabuti nating regalo sa iba sa panahon ng kapaskuhan – ang ibahagi ang pagliligtas ni Kristo.

Mula sa Solid Joys. Today’s Devotional. John Piper.

 

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top