Bakit Dapat Maging Tapat sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo
0Ang pagbabahagi ng Ebanghelyo ay utos sa bawat Kristiano. Subalit bakit ilan lamang ang gumagawa nito? Marami silang dahilan: walang kakayahang magsalita, hindi malawak ang kaalaman sa Biblia, baka hindi masagot ang mga tanong at walang tapang na gawin ito. Subalit ang oras na tayo ay may tapang at handa ay hindi darating. Kung ang bulag na pinagaling ni Hesus sa Juan 9 ay natakot, makapag-papahayag ba siya ng pagliligtas ni Hesus sa mga kritikong Fareseo?
May iba pang dahilan kung bakit hindi tayo makapagbahagi ng Salita. Ayon kay George Barna, isang researcher, itinuturing ng 9 sa 10 nagbahagi ng Salita na sila ay bigo. Likas sa tao ang maghangad ng tagumpay. Dahil walang kasiguruhan kung magkakabunga ang gawain ng ebanghelismo, pinipili nila ang gawaing mas may posibilidad na magtagumpay.
Ngunit ano ba ang matagumpay na pag-eebanghelyo? Ang matapat na pagbabahagi ng ebanghelyo ay matagumpay na pag-eebanghelyo. Ang pagnanais na maligtas ang mga nawawala at pagsisikap na ibahagi ang Salita ay matagumpay na pag-eebanghelyo. Kung sasampalataya man ang taong nakarinig, ito ay bunga ng pagkilos ng Dios (hindi dahil sa atin, kundi sa Dios).. Ang isang nagbabahagi ng Salita ay katulad ng postal service. Ang tagumpay nila sa gawain ay ang maihatid ang mensahe. Hindi nila sakop kung anuman ang sagot ng tao sa mensaheng natanggap.
Ang salitang ating ibinabahagi ay sinasamahan ng kapangyarihan ng Banal na Ispiritu. (Roma 1;16). Kaya kahit ang nagbahagi ay isang dalubhasa sa teolohiya, o isang batang guro ay mayroong maliligtas, kung mangusap sa kanya ang Banal na Ispiritu. Gayon din maaring maligtas ang isang tao sa pagbabasa ng aklat ng mga scholar o ng simpleng tract lamang.
Sa pagbabahagi ng Ebanghelyo, ibinabahagi din natin ang kapangyarihan ng Dios. Nasa Ebanghelo ng ating Panginoong Jesus ang kapangyarihan. Isang malaking pribelehiyo na makabahagi tayo sa gawaing ng pagliligtas.
Sa ating pagbabahagi, ang kapangyarihan ng Dios at ang pagkilos ng Banal na Ispiritu ay kasama natin. Ito’y paghimok sa atin upang maging masipag sa paghayo sapagkat “Kay raming aanihin, subalit iilan ang mang-gagapas.”
Isinalin sa Filipino mula sa aklat ni Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 95-99.