Ang Dahilan Ng Pagtubos ni Kristo

0
IMG_3953[1]

Bakit tayo iniligtas ng Dios? Alam natin na tayo’y patay sa kasalanan at nakikipag-galit sa Dios, subalit inialay ng Mabuting Pastol ang Kanyang buhay (Juan 10:15) at namatay sa Krus para sa ating katubusan. (Rom 3:25). Dahil sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng buhay, kamatayan at pagkabuhay na magmuli ni Kristo, tayo ay inaring-ganap ng Dios. Ito ang Magandang Balita.

Subali’t itinanong na ba natin kung bakit tayo iniligtas ng Dios? Sinasabi ng Biblia na iniligtas tayo ng Dios dahil mahal Niya tayo (Juan 3:16) at para sa Kanyang kapurihan (Efeso 1:6,12,14). Ngunit may isa pang mahalagang sagot. Ayon sa Efeso 1:3-4, ito ay “…,upang tayo’y maging banal at walang dungis sa harapan Niya sa pag-ibig.” Malinaw na personal na kabanalan ang pakay ng Dios sa ating katubusan. Ang kabanalang ito ay dapat nakikita sa bawat Kristiano. Ang Katuwiran ni Kristo ay dapat makita sa mga nagtalaga ng buhay sa Kanya.

Ang Kabanalan ay plano ng Dios sa Kanyang bayan sa Luma at Bagong Tipan. Sa Exodo 4:6a ay sinabi ng Dios sa mga Israelita, “Sa Akin kayo ay magiging isang kaharian ng mga pari at isang banal na bansa.” (Exo. 4:6a). Bawat isang Kristiano sa bawat Iglesia ay dapat mamuhay na parang isang pari ng Dios. Ayon sa I Pet 2:9, “ hindi kayo tinawag ng Dios para sa karumihan, kundi para sa kabanalan.” Ganito rin ang sinasabi sa Efeso 2:10 “ Sapagkat tayo’y Kanyang pinaka-mahusay na gawa, na nilalang kay Kristo-Hesus para sa mabubuting gawa na inihanda ng Dios nang una pa upang siya nating lakaran.” Ang nais ni Kristo ay “maiharap sa Kanyang sarili ang isang maluwalhating Iglesia na walang batik, o kulubot…kundi siya ay maging banal at walang dungis.” (Efeso 5:27)

Malinaw sa Biblia na ang dahilan, desenyo at adhikain ng Dios para sa Kanyang mga pinili sa kaligtasan, una sa lahat, ay upang sila ay maging banal.

 

Isinalin sa Tagalog, Mula sa aklat ni Kevin DeYoung. 2012. The Hole in our Holiness. Crossway. Illinois.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top