Ang Panalangin

0

Ayon kay Martyn Lloyd-Jones, “Ang panalangin ay ang pinakamataas na gawain ng kaluluwa. Ang tao ay nasa pinakamataas at matayog na kalagayan kapag siya ay nakaluhod at nananalangin.”

Isinalarawan ni D.L. Moody ang panalangin ng ganito: Walang ispiritwal na gawain ang mas kumplikado pa kaysa sa panalangin. (1) Ito ay simpleng pananalita na kayang bigkasin ng musmos na bata, ngunit napakadakila kaya ito ay nakakarating sa Dios sa kaitaasan. (2) Ito ay maaaring gawin kahit nasa anumang edad, bata man o matandang pantas. (3) Maari biglaang manalangin, subalit ito ay pang-habangbuhay na kasanayan. (4) Nananalangin tayo sa oras na panatag ang pananampalata, at sa oras na ang pananampalataya ay nililiglig ng pagsubok. (5) Sa pananalangin, naghahalo ang kaligayahan at kalungkutan. (6) Ang pananalangin ay nagpapailalim, subalit nagsusumamo din. (7) Sa oras ng panalangin, niyayakap natin ang Dios at itinatali din natin ang demonyo. (8) Maaring ang panalangin ay nakatuon lamang sa isang layunin, o sa panghalahatan sa mundo. (9) Ang panalangin ay pagkalumbay sa pagpapahayag ng kasalanan, o lubos na katuwaan sa pagpupuri sa Dios. (10) Sa panalangin, ang isang hamak at mahinang tao ay nagkakaroon ng kapangyarihan.

Ang pananalangin ay katulad ng pakikipag-usap sa isang minamahal na kaibigan na walang bahid na pagkukunwari. Ngunit ito rin ang kalimitang problema ng maraming mananampalataya. Napakamahalaga ang panalangin sa pag-ganap ng plano ng Dios sa ating buhay. Kaya naman ito ang tinutuligsa ng kaaway. Nagpupunla siya ng mga kamaliaan sa ating pagtupad sa tungkulin ng panalagin.

Sa marami, ang pakikipag-usap sa Dios ay napalitan ng kaabalahan sa buhay. Nawawala din ang pagkamangha at pag-galang sa pananalangin. Ang iba naman ay nag-aakala na sila ay may karapatang humingi sa Dios. Ang mga maling pananaw na ito ay dapat na maitama upang ating malasap ang lubos na katuwaan at kapangyarihan ng panalangin. Maaaring may malalim tayong pag-galang sa panalagin, ngunit alam natin sa atin mismong sarili na walang buhay at layunin ang ating panalangin. Dapat nating alamin ang mga balakid sa pananalangin upang tayo ay makinabang sa kapangyarihan ng panalangin sa ating mga buhay.

Mula sa Alone with God ni John Macarthur (2011). Christian Growth Ministries

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top