May Pakinabang sa Lahat ng Bagay
0Ang pinakamataas na papuri na maibibigay sa isang tao ay ang masabing “Siya ay makadios o banal”. Ito ang buod ng pagiging isang Kristiano. Bilang apostol, ang nais ni Pablo ay patatagin ang pananampalataya ng mga hinirang tungo sa kabalanan (Titus 1:1). Ito rin ang kanyang idiniin kay Timoteo: “Sanayin mo ang iyong sarili sa kabanalan…ang kabanalan ay may pakinabang sa lahat ng bagay” (I Tim 4:7-8). Dahil sa ang lahat ay mawawasak, dapat na tayo ay magpakabanal sapagkat ito ang may pakinabang sa mga huling araw, ayon kay Pedro (2 Pedro 3:10-12).
Kaya’t isang pribelehiyo sa mga Kristiano na lakaran ang daan ng kabanalan. Hindi nito kailangan ng talino o espesyal na aklat. Ang lahat ng kailangan natin para sa kabanalan ay ibinigay na sa atin ng Dios.
Ano ang kabanalan at pundasyon nito? Si Enoch ay lumakad, kasama ng Dios, at siya ay naging kalulugod-lugod sa Dios. Nakasentro ang Dios sa buhay ni Enoch. Ito ang kabalanan o pagiging makadios – ang pagkakaroon ng debosyon sa Dios. Dinidisiplina ang sarili na tumingin lagi sa Dios. Ang mataas na pagtingin na ito sa Dios ang siyang nagbubunga ng makadios na pag-uugali.
Ayon kay Willian Law, ang debosyon sa Dios ay ang pagtatalaga ng buhay sa Dios. Ang kanyang kalooban at pagpapasya ay napapangunahan ng Dios, maging ang kanyang iniisip. Ang kanyang trabaho (ano man ito) ay ginagawa niya para sa Dios. Lahat ng aspeto ng kanyang buhay ay ipinapasakop niya sa Dios. Alam niya na nakamasid ang Dios at nais niyang malugod Siya, sa lahat ng kanyang ginagawa, sa pagkain man o sa pag-inom.
Ang matibay na relasyon lamang sa Dios ang maglalayo sa pagiging “legalistic”. Ang pagsunod sa Kanyang mga utos ay hindi magiging mahirap kundi kagalakan para sa isang Kristiano.
Ang debosyon sa Dios ang naghihiwalay sa “mabuting tao” at “makadios na tao”. Ang taong makadios ay mabuti, masipag, maaasahan dahil sa kanyang debosyon sa Dios. Ngunit ang mabuting tao, ay gumagawa ng mabuti para sa kanyang sarili.
Kahit ang isang Kristiano ay maaring maging masipag sa ministeryo, ngunit kulang ang debosyon sa Dios. Iwasan natin na maging ganito tayo.
Tandaan na kung mayroon tayong debosyon sa Dios, susunod dito ang buhay na kalugod-lugod sa Dios.
Isinalin sa Filipino ula sa aklat ni Jerry Bridges. The Practice of Godliness. Navpress. 1987