Ang Krus at ang Kaluluwa ng Tao

0

Sa Krus ay ipinakita ang kahalagahan ng kaluluwa ng isang tao. Sinabi ni Hesus “Sapagka’t anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? (Mark 8:37) Si Kristo ay  napako sa Krus  upang iligtas ang ating imortal na kaluluwa. Sinuman na manampalataya kay Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas  ay makakatakas sa galit ng Diyos.  

Mahalaga rin ang katawan at marami pa sa buhay natin ang mahalaga. Subali’t ang mga ito ay nawawala, nasisira o naluluma. Sa ating kamatayan, iiwanan din natin ito.  Subalit ang kaluluwa ay hindi mamamatay. Ito ay magpasawalang hanggan. 

Ito ang itinuturo ng Krus ni Kristo. Siya ay dumating sa lupa hindi upang tayo ay pagalingin sa ating sakit, masagip sa paghihirap, o damitan sa ating kawalan, kundi upang iligtas ang ating kaluluwa.” Sapagka’t ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala” (Lukas 19:10). At ano ang nawala? Hindi ba ang ating kaluluwa dahil sa ating mga kasalanan? 

Sinabi ni Hesus “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28).  Ang Krus ay imbitasyon upang pagtiwalaan natin ang Magandang Balita ng kaligtasan. Si Kristo lamang ang daan papunta sa Ama. Sinuman ang manampalataya sa Kanya ay maliligtas ang kanyang kaluluwa sa walang-hanggang kapanamakan sa impiyerno.  

Ito ang pinakamalakas na mensahe  na ipinahayag sa Krus. Mahalaga ang kaluluwa. At may kaligtasan sa mga tunay na nakaunawa at tinanggap ang  mensahe ng Krus ni Kristo.

 Hango sa “Walking with God Day by Day” ni Martyn  Lloyd-Jones  

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top