Ang Kasalanan ay Pakikipaglaban sa Dios
0
Ang kasalanan ay ang pagkapoot sa Dios. Ito ay pagsalungat sa lahat ng nais ng Dios. Katulad sa pagkontra ng dilim sa liwanag , ganyan din ang oposisyon ng tao sa Dios.
Ang pagsalungat ng tao sa Dios ay makikita sa kanyang pag-gawa ng pita ng laman”. Ang isip at ang katawan ng tao ay magkaugnay na nahuhumaling sa mga pita ng laman. Ang puso ay laging nag-aabang na udyukan ang tao na magnasa ng pita ng laman. Kaya ang sabi sa Genesis 6:5 “ …ang bawat haka ng pag-iisip ng kanyang puso ay palagi na lamang masama.”
Ang pagnanais ng puso na gumawa ng kasalanan ay makikita sa pagkakaroon ng masasamang imahinasyon na hindi akalain na maiisip natin. Kaya kailangang mag-matyag katulad ng babala ni Pablo. “tingnan ang iyong sarili, baka ikaw ay matukso rin.” (Gal 6:1).
At kahit sa pag-gawa ng mabuti, biglang bubulong ang puso ng masamang kaisipan upang pigilan tayo na gawin ang nararapat at nakalulugod sa Dios. Mapapansin na kapag gumagawa tayo ng ispiritwal na bagay, maraming hadlang ang dumadating. Maraming bagay ang pumipigil upang hindi tayo makapag-basa ng Biblia, manalangin o mag-aaral ng kanyang Salita. Kahit sa isip ay ginagambala tayo ng masasamang kaisipan habang ginagawa natin ang mga isipiritwal na tungkulin. Ang isip at puso ay lubhang mapangdaya kaya’t madali tayong maitulak sa pagkakasala.
Mapandaya man ang kasalanan, ngunit hindi sana ito makakapasok sa ating puso at isipan kung hindi natin ito pahintulutan. Ngunit ang natural na bulok na kalooban (will) ng tao ay nakikipagkasundo sa kasalanan, at nag-uudyok sa ating kamalayan (consciousness) na gumawa ng kasamaan. Ito ang dahilan kung bakit madali tayong magkasala. Kaya gayon na lamang ang panglulumo si Apostol Pablo: “ Kahabag-habag na tao ako! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito ng kamatayan?” (Rom 7:24)
Nakahilig man ang puso sa kasalanan, ang biyaya ng Dios kay Kristo ang makapang-yarihang mag-aalis ng pag-nanasa ng tao sa pita ng laman at hindi tayo magapi nito (Jn 14:30). Ayon sa biyaya, malalabanan natin ang tukso at mailalayo tayo sa pag-gawa ng kasalanan. (I Tesalonica 5:22).
John Owen. Triumph Over Temptation: Pursuing a Life of Purity. Quezon City: Christian Growth Ministries. 2006.