Ang Dios Man ay Naghihintay Din
0“Kaya’t naghihintay ang PANGINOON na maging mapagbiyaya sa inyo…” Isaias 30:18
Malimit nating marinig ang hinaing ng maraming Kristiano: “Ang hirap maghintay sa kalooban ng Panginoon.”; “Bakit hindi pa sinasagot ng Panginoon ang aking panalangin?”. Mahalaga ang maghintay sa tugon ng Panginoon, subalit isang dakilang katotohanan na ang Dios ay naghihintay din katulad natin. Para sa Panginoon, ang paghihintay na sagutin ang ating panalangin ay ayon sa nakatakda Niyang panahon na angkop at nararapat sa ating pangangailangan at paglago sa pananampalataya. Ang katotohanang ito ay hindi napag-iisipan ng maraming Kristiano, kaya marami sa kanila ay natutuksong magreklamo. Ating isa-isip na ang Dios ay naghihintay din ng perpektong panahon na tuparin ang Kanyang magandang kalooban sa atin.
Ang Dios ay mabuti at matalinong Hardinero na “naghihintay”. “…Hinihintay ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na siya’y nagtitiis para dito hanggang sa ito’y tumanggap ng una at huling ulan (Santiago 5:7). Alam ng Dios kung kailan handa na tayong tumanggap ng pagpapala para sa ating kapakinabangan at para sa Kanyang kalualhatian. Ang paghihintay sa Panginoon ay paghahanda sa ating kaluluwa upang tumanggap ng Kanyang pagpapala.
Naghintay ang Panginoon ng apat na libong taon para sa katuparan ng Kanyang dakilang plano ng kaligtasan ng Kanyang bayan. “Subalit nang dumating ang ganap na kapanahunan, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak…“ (Galacia 4:4).
Ang ating panahon ay nasa kamay ng Dios. Siya ay tutugon at Kanyang ipaghihiganti ang sa Kanya ay umaasa ng walang pag-aantala – sa takda at mabuting panahon. (Andrew Murray)
Mula sa Streams in the Desert ni L.B. Cowman