Ang Buhay na Nagpapahayag ng Ebanghelyo

0
Sister Nel Landig distributing tracts to the construction workers for TBC's new building

Sister Nel Landig distributing Gospel tracts to the construction workers of TBC’s new building

Kakaiba ang pang-akit ng restaurant na ito sa mga customer. Ang pag-iihaw ng manok at karne ay ginagawa sa labas, at ang nakakagutom na amoy ng barbecue ay umaabot hanggang sa kabilang dako ng kalsada. Maraming dumadaan ang naakit kumakain dahil sa nakakagutom na samyo ng masarap na ulam.

Ganito inihalintulad ni Pablo ang buhay ng mga Kristiano. Tayo ay halimuyak ni Kristo sa mga maliligtas at sa mga hindi maliligtas. At sino ang marapat sa pagkatawag na ito? Ang kapangyarihan ng Dios lamang ang makakagawa nito. Ang mga Kristiano ay mga sugo ng Dios upang ipakilala ang Kanyang Anak. Habang si Kristo ay ating ipinakikilala, ang ating mga buhay at ang Salita ng Dios na ating ipinapahayag ay binibigyan Niya ng kapangyarihan. (2 Cor 2:14-17). Ang makapangyarihang halimuyak na ito mula sa buhay ng mga Kristiano ang umaakit sa mga tao sa Ebanghelyo.

Ang pinakamakapangyarihang saksi ng Ebanghelyo ay ang Salita ng Dios na ipinapahayag ng taong ipinamumuhay ang Salita. Isang babae ang naimbita sa Bible study. Siya ay maraming bisyo at umanib pa sa isang kulto. Ang unang pag-dalo sa Bible study ay nasundan pa ng marami. Ayon sa kanya, ang salita ng Dios at ang buhay ng nag-imbita sa kanya ang nagtulak sa kanya upang makilala ang Panginoon. Ngayon ang kanyang buhay ay isa na ring mabangong samyo ng Kristianismo. Ito ay dahil sa ang Banal na Salita ay naging makapangyarihan, gayon din ang buhay ng taong nagbagi nito.

Subalit kailangan din ng katapatan na ibahagi ang dalisay na salita ng Dios upang ito ay maging makapangyarihan. Masipag at matapat si Pablo sa pangangaral ng Salita ng Dios. Hindi siya nagdagdag o nagbawas, kundi nakasentro siya sa katuruan lamang ni Kristo.
Sa ating pag-eebanghelyo, dapat na gawin ito ng matapat at naaayon sa katuruan ni Kristong nagsugo sa atin.

Dapat din ay may tamang motibo ang ating pagbabahagi ng ebanghelyo.  Ayon kay Matthew Henry, anumang paglilingkod ang ating gawin sa pangalan ng Kristianismo, kung hindi ginagawa ng buong puso para sa Dios, ay hindi sa Dios, hindi nanggaling sa Dios at hindi makakarating sa Dios.

Isinalin sa Filipino hango sa aklat ni Whitney, Donald S. 1991. Spiritual Disciplines for the Christian Life. Colorado Springs. Navpress, pp 99-100.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top