Ang Basket ng Pagkalinga ng Dios sa mga Ina
0Ang Basket ng Pagkalinga ng Dios sa mga Ina
(Handog kay Mylene ng TBC Mothers and Singles)
Alcohol – alcohol ay parang disiplina. Masakit sa una, subalit nagbibigay lunas sa anumang sakit ng kaluluwa, at nagtataboy ng anumang kasalanan na sisira sa kaluluwa
Cotton – malambot na panglinis at pang-apply ng anumang gamot, o panglinis ng balat. Ito ay malinis at banayad. Kahit anumang ipahid sa balat ay hindi nagiging mahirap. Ganito ang pagmamahal ng Dios. Banayad sa ating kaluluwa. Hindi siya nakikitungo sa atin ayon sa ating mga kasalanan, kundi inuunawa tayo ayon sa ating mga kahinaan.
Cotton Buds – panglinis sa mahirap na linisin na parte ng katawan. Maaring ikumpara ito sa mabayad na “rebuke” ng kapatid sa mga areas ng buhay na maaring hindi natin napapansin, subalit naabot ng “concern” ng ating kapatid upang hindi lumala at mapalayo tayo sa Dios.
Baby Oil – langis na kailangan upang tanggalin ang dumikit na dumi sa balat ng baby. Tayo rin naman ay may mga kahinaan na mahirap maalis ng ordinaryong paglaban dito. Hindi ito dapat ipag-walang-bahala. Kundi bigyan ng mas malalim na atensyon. Gawaing mas mainam ang paglaban sa kasalanang ito at ipanalangin ng mabuti.
Baby powder – ang patotoo ng isang tapat na Kristiano ay parang isang mabangong samyo sa mga taong nakakasasalamuha niya. Sa tahanan, ang magandang relasyon sa Dios ay humahalimuyak sa sambahayan, kung saan isang taong hindi kilala si Kristo ay nahahalina sa kanya at sa kanyang Tagapagligtas.
Baby Shampoo – Ang Salita ng Dios ay panglinis sa karumihan ng kaluluwa. Kagaya ng shampoo na panghugas ng buhok, ang Salita ng Dios ay may kakayahang maglinis ng anumang kahinaan sa ating kaluluwa, kaya nitong linisin at baguhin ang taong nagpapasakop sa Kanyang Salita.
Baby Mittens – Kailangan ng “baby mittens” upang hindi masugatan ng baby ang kanyang mukha. Sa mga Kristiano, kailangan ang mga “boundaries” upang hindi natin masaktan ang ating mga sarili. Maari itong maikumpara sa mga “kautusan” ng Biblia o mga patakaran sa Iglesia.
Baby towel – iba’t-ibang paraan ang ginagamit ng Dios upang linisin ang ating kaluluwa. Minsan ay saway ng Salita ng Dios, minsan ay banayad na “puna” ng mapagmahal na kapatid. Ang baby towel ay banayad na “puna” ng kapatid sa isang kapatid upang maitama ang isang kasalanan na parang dumi sa mukha.
Basket – Ang basket sumisimbolo sa maraming pagpapala na natatanggap ng isang anak ng Dios. Binigyan tayo ng maraming mga gifts, kakayahan at talent at nasa sa atin kung paano ito gagamitin. Ang alcohol ay mabuting panglinis, subalit maaring gamitin ito ng mali at sa halip na makabuti ay makasama pa. (hal. Ang alcohol ay maaring pagsimulan ng sunog, at kung mapaagay sa mata ay baka makabulag pa.)
Ribbon – Ang ribbon ay sumisimbolo sa kagandahan, at “completeness” ng biyaya ng Dios sa Kanyang bayang hinirang.
Ang pangatlong anak ni Mylene na papangalanan na Precious Grace ay regalo ng Dios sa kanilang buhay. Si baby Precious Grace ay ibinibigay ng Dios sa upang alagaan at ihandog pabalik sa Dios na kapuri-puri sa harapan ng Niya at ng tao.
Prepared by HDLasco for the Baby Shower given to Mylene Caparas
TBC Fellowship Hall
November 9, 2014
3:00 to 4:00 pm