Alalahanin Mo ang Diyos
0Alalahanin Mo Ang Diyos “Ingatan Mo ako, O Diyos sapagkat sa Iyo ako nanganganlong.” (Mga Awit 16:1)
Huwag nating pagdudahan ang probidensya ng Diyos kung dumadaan man tayo sa mga pagsubok. Hindi naging maganda ang kilos ni Moises sa utos ng Diyos. “Upang ang tubig ay dumaloy, ang bato ay kanyang hinataw, at ang mga bukal ay umapaw. Makapagbibigay rin ba Siya ng tinapay, o makapagdudulot ng karne sa Kanyang bayan? (Mga Awit 78:20). Anong kawalan ng paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos matapos masaksihan ang isang himala?
Huwag tayong magreklamo sa kahirapan na dumarating sa ating buhay. Ang pagrereklamo ay lason na sumisira sa puso. Gayon man ang pagrereklamo ay likas sa ating pagkatao. Mas madali nating makita ang mumunting kahirapan ng buhay kumpara sa hindi masayod na pagpapala ng Diyos. Pero bakit tayo magrereklamo? Hindi ba’t wala namang obligasyon ang Diyos na biyayaan o gantimpalaan tayo sa pagpapagal natin sa ating mga gawain?
Alisin natin ang pagrereklamo at kawalan ng tiwala sa Diyos. Sa halip ay tingnan natin ang kagandahan ng buhay na ibinigay Niya sa atin. “Ang pisi ay nahulog para sa akin sa magagandang dako. Ang aking kapalaran ay hawak mo” (Mga Awit 16:6). Anuman ang ating pinagdadaanan, ito ang mabuti para sa atin. Darating ang araw na ito ay ating mapapatunayan. Huwag nating kaligtaan ang panalangin kung dumating ang mga balakid sa ating buhay, at mas ilapit natin ang ating puso sa Diyos.
Sa Isaias 41:17 ay sinasabi “Kapag ang dukha at nangangailangan ay humahanap ng tubig at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw, akong Panginoon ay sasagot sa kanila. Akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.” Ito rin ang laman ng Filipos 4:6: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay…sa pamamagitan ng panalangin at pagsamo ay ipaalam ninyo ang inyong kahilingan sa Diyos.”
Alalahanin natin ang Diyos, at hindi Niya tayo kaliligtaan.
Mula sa Silent Meditation ng GBC-LB, The Puritans: Daily Readings. John Flavel (1630-1691)