Alalahanin Mo ang Asawa ni Lot
0Isang mabigat na babala ang iniwan ni Hesus sa Kanyang mga disipulo:“Alalahanin Mo ang Asawa ni Lot” (Luke 17:32) . Ginamit ang salitang “alalahanin” upang maidiin sa ating isip ang panganib na maging katulad ng asawa ni Lot. Sino ba ang asawa ni Lot?
Ang asawa ni Lot ay pinagpala sa lupa. Nakamtan niya ang maraming ispiritwal na pagpapala, bilang asawa ng “matuwid” na si Lot. Dahil sa relasyon niya kay Lot, siya ay naging pamangkin ng makadios na si Abraham. Hayag sa kanya ang matibay na pananampalataya ng kanyang mga naging kaanak. Ganoon pa man, hindi nabuksan ang kanyang pang-unawa. Maaring nakisama siya at hindi tumutol sa mga ispiritwal na gawain ni Lot, subalit ang puso niya ay malayo sa Dios.Ito ay malinnaw na naipakita nang siya ay lumingon sa Sodom at Gomorrah at naging isang istatwang asin. Mahal niya ang sanlibutan. Namuhay siya na isang makasalanan, at namatay din na isang makasalanan.
Maaring tayo ay namumuhay sa panahon ng masaganang ispiritwal na pagpapala. Nakakarinig tayo ng matapat na pangangaral ng Salita ng Dios. Napapalibutan tayo ng liwanag ng katuwiran, kabanalan at makadios na mga kaibigan. Subalit maaring malayo pa rin tayo sa Dios. Tingnan natin si Gehazi na katulong ni Eliseo, si Joab na pinuno ng hukbo ni David, si Judas Iscariote na alagad ni Hesus at ang asawa ni Lot. Sila lahat ay may malapit na relasyon sa mga taong makadios, subalit hindi nila sinamantala na angkinin din ang kanilang pananampalataya. Lahat sila ay namatay sa kanilang kasalanan.
Hindi sapat ang pribelehiyong ispiritwal. Kailangan ang pagkilos ng Banal na Ispiritu sa ating puso. Isang mabuting bagay ang lumaki sa isang sambahayang Kristiano, subalit kailangang tayo mismo ang yumakap kay Kristo at magsisisi sa ating kasalanan. Huwag tayong padaya sa mga ispiritwal na prebelehiyong ating natanggap. Ang asawa ni Lot ay nakatanggap ng maraming pribelehiyo, subalit namatay na walang Kristo sa kanyang puso.
Hango sa aklat na Holiness ni J.C Ryle pp 156-158