Pananalanging Naghihintay

0

“Kaluluwa ko, maghintay kang matahimik sa Dios lamang; sapagkat ang aking pag-asa ay sa kaniya lamang” (Mga Awit 62:5)

Kalimitan hindi tayo mapagmatyag sa ating panalangin. Nagpapakita ito na hindi tayo seryoso sa ating ipinapanalangin.  Ang isang magsasaka ay hindi titigil hanggat hindi dumarating ang panahon ng tag-ani. Ang isang archer ay laging tumitingin kung tumama ba siya sa bullseye; Ang manggagamot ay magpapatuloy sa pag suri sa pasyente upang makita kung epektibo ba ang kanyang risetang gamot. Sa mga Kristiano, hindi ba dapat na tayo ay mas maging mapag-matyag sa ating pagpapapagal sa panalangin?

Bawat panalangin ng isang Kristiano, ito man ay espiritwal o para sa temporal na pangangailangan ay may katapat na sagot kung ang panalangin ay naaayon sa Biblia: Kung ito ay ipinapanalangin ng may pananampalataya; Kung ito ay ayon sa kalooban ng Dios; Kung tayo ay  umasa sa mga pangako ng Dios; Kung ito ay itinataas sa Dios ayon sa pangalan ni Hesu-Kristo at kung tayo ay nasa impluwensya ng Banal na Espiritu.

Laging sumasagot ang Dios sa ating mga panalangin. Hindi lamang upang ipakita ang Kanyang kalualhatian kundi para sa ating espiritwal at pisikal na pakinabangan.  Sa Kasulatan, nakita natin na hindi binigo ni Hesus ang lahat ng panalangin na inilapit sa Kanya. Kaya’t tayo ngayon ay may pagtitiwala na walang panalanging idinulog sa Kanya na hindi Niya diringgin.

Maaaring dumarating na ang sagot sa ating panalangin, bagamat hindi natin ito namamalayan. Ang binhi na nakabaon sa lupa ay unti-unting nagkakaugat subalit hindi natin ito nakikita.

Ang naaantalang panalangin ay hindi lamang pagsubok sa ating pananampalataya, ito rin ay oportunidad na parangalan ang Dios sa pamamagitan ng ating walang tinag na pagtitiwala sa Kanya, kahit pa “parang” hindi Niya sinasagot ang ating mga panalangin.

 

Mula sa Streams in the Desert. L.B. Cowman

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top