Kababaang-Loob

0

 

Ang kababaang-loob ay ang tamang pagtingin sa sarili. Hindi pagpapakumbaba na maliitin ang sarili. May mga tao na kahit marunong sa isang bagay ay sasabihing, “Hindi ko alam yan.” Subalit kung sabihin sa kanya na wala nga siyang kakayahan,  ay sasama naman ang loob niya o magagalit. Kung ang Dios ay nagbigay ng talento, hindi kaya ito alam ng taong pinagkalooban? Kung ang isang tao ay binigyan ng sampung talento wala siyang karapatang sabihing, “Panginoon, binigyan mo lamang ako ng lima.”

Ang kababaan ng loob ay ang tingnan ang sarili ayon sa pagtingin sa atin ng Dios, na ang lahat ng kakayahan at talentong mayroon tayo ay kaloob sa atin. Subalit dapat na tingnan natin ang mga ito na parang pabigat sa isang bangka. Mas maraming pabigat, mas lumulubog ito sa tubig. Kaya mas maraming talento ang ibinigay sa atin, mas dapat na maging mababa ang pagtingin natin sa ating sarili. Ang disposisyong ito ay makikita sa atin ng ibang tao at magbibigay ng papuri sa Dios.

Ang kababaan ng loob ay ang makita ang sarili na walang kakayahan kundi ang lahat ay nanggagaling sa Dios. Ito ay hindi ang pagsasabing, “Wala akong alam,” kundi ang sabihin na “Mayroon akong kaloob at dapat ko itong gamitin para sa kaluwalhatian ng Ama.” At lahat ay ating magagawa ayon kay Kristo na nagpapalakas sa atin (Filipos 4:13).

 

Iwaksi natin ang ating sarili at itanghal si Hesu-Kristo sa lahat lahat sa ating buhay. Walang puwang ang maghangad ng papuri para sa sarili.”

 

 

Mula sa Gleanings Among the Sheaves. Charles H. Spurgeon. GLH Publishing. Kentucky.

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top
%d bloggers like this: