Hindi Hadlang Ang Doktrina ng Pagpili (Election) sa Kaligtasan

0

 “Kung ang Dios ang tumatawag upang manampalataya ang isang ito, gaano man ang kanyang pagnanais na maging Kristiano ay hindi siya maliligtas, kung hindi naman siya pinili.” Ito ang kalimitang argumento ng mga taong hindi naniniwala sa Doktrina ng Pagpili at ginagamit na matibay na dahilan upang sabihing ito ay mali. Subalit kung uunawaing mabuti ang mga talata sa Biblia, malinaw na itinuturo ang katotohanan ng Doktrina ng Pagpili.

Halimbawa, kung ang pagkain ay inihain sa isang nagugutom, pwede ba niyang sabihin “Hindi ko alam kung nais ng Dios na mabusog ako sa pagkaing ito, kaya kahit na anong pagkagusto ko ay alam kong hindi ito para sa akin.” Hindi ba mas matuwid na sabihin, “Ang pagkaing ito ay inihain sa akin at…

continue reading..

Ang Doktrina Pagpili ng Dios ay Nagbubunga ng Kabanalan

0

Ang kababaang-loob, pagmamahal, at pagpapasalamat ay tatlong mahahalagang bunga ng tunay na relihiyon. Ang doktrina ng “pagpili” ay naghuhubog nito sa puso ng isang Kristiano.

Dahil sa kasalanan na namana ng sangkatauhan kay Adan, ang patutunguhan ng bawat tao ay habang-buhay na pagdurusa sa impiyerno. Kung ang makasalanan ay naligtas, ito ay hindi dahil sa siya ay karapat-dapat, kundi dahil lamang sa mabiyayang pagpili ng Dios. “hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki.” (Efeso 2:9).

Ang “pagpili”, una sa lahat ay nagbubunga ng kababaang-loob sa isang mananampalataya. Walang mabuti na makikita sa atin ang Dios. Sa Kanyang harapan ay kagaya rin tayo ng taong masasama sa ating paligid,…

continue reading..

Kaligtasan Ayon Sa Biyaya Lamang

0


“Upang kung paanong ang kasalanan ay naghari sa kamatayan, ay gayundin naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng pagiging matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.”  (Roma 5:21)

Ang kasalanan ay tulad sa isang hari na may kapangyarihang sumira at pumatay. Ang biyaya ay isa ring malakas at makapangyarihang hari ngunit may pagmamahal na nagliligtas.  

Ang iniligtas ng Dios ayon sa Kanyang mabiyayang kalooban ay tunay at lubos na naligtas. Ang biyaya na nagligtas sa kapangyarihan ng kasalanan ay siya ring maghahatid sa buhay ng kabanalan. Kung ang biyaya ay limitado lamang sa kaligtasan (at hindi ang pagpapabanal (sanctification), hindi sigurado ang hahantungang ng isang Kristiano. At kung ang kabanalan…

continue reading..

Contact Us

Angeles Heights, San Pablo City, Laguna Philippines 4000
Back to top